Maganda at Hindi Magandang Bunga ng Rehabilitasyon ng Manila Bay

Ano nga ba ang maganda at di magandang bunga ng rehabilitasyon ng Manila Bay, yan ang tatalakayin natin ngayon sa blog na ito.


Ang Manila Bay ay isa sa mga pinaka magandang lugar sa manila na kung saan matatanawmo ang ganda ng pag lubog ng araw tuwing hapon, ang lugar kung saan magandang pasyalan dahil sa ito'y mahangin at maganda ang tanawin, pero isa sa mga nakaka apekto dito ay ang tubig at seaside na puno ng basura.


Nitong September 6, 2020 lang ay sinimulan ang proyekto para sa manila bay na kung saan ay ang basura ay aalisin at papalitan ang buhangin nito ng puting buhangin na kilala sa tawag na "white sand" na kung saan marami ang nag protesta at nagpahiwatig ng pag hadlang sa rehabilitasyon ng manila bay, pero ang gobyerno ay hindi natinag at nagpadala sa mga bumabatikos at nag patuloy ang kanilang proyekto, at sa ngayon ay malapit nang matapos ang kanilang pag rerehabilitasyon.


Ano nga ba ang masamang epekto ng rehabilitasyon ng Manila Bay? Tila naging atraksyon sa manila bay ang pag lalagay ng white sand sa dalampasigan nito bilang parte ng isinasagawang rehabilitasyon dito, ito'y sa kabila ng mga kontrobersya na kinakaharap ng proyekto, ang buhangin na mula pa sa cebu ay gawa raw sa dinurog na dolomite, isang uri ng sedementary rock ngunit ang nasabing buhangin daw ay may masamang epekto sa kalusugan, maaari daw mag dulot ng resperatoy problems na kung malanghap ang aerosols ng dolomite, may epekto rin daw ito sa gastrointestinal system sakaling ma ingest ito, ipinapahayag din ng grupo ng mga mangingisda na may mataas na amount ng heavy metal ang dolomite gaya ng aluminum, lead at mercury na makakasama sa kalusugan gayundun sa kalikasan, maaari raw kasi nitong makontamina ang tubig ng manila bay. Maliban sa masamang epekto nito sa kalusugan at kapaligiran, kinukwestyon din ang pondo ng nasabing proyekto na sana raw kasi ay inilaan na lamang ito sa mas importanteng mga pangangailangan ng bansa ngayon.


Pero ang tanong, ano ngaba ang magandang epekto ng rehabilitasyon ng Manila Bay. Hindi lamang daw ito pag papaganda ng manila bay kundi itong ginagawa daw tinatawag na beach enhancement para maiwasan ang soil erosion at para makatulong din sa flood control, sa ekonomiya ay may magandang epekto ito, alam naman natin na isa ang Pilipinas sa tinatawag na tourist country, dahil sa dami ng pwedeng puntahan o tourist spots, pero ngayon magiging parte na rito ang Manila Bay, dahil mas magiging maganda na ang tanawin nito at mawawala na ang mga basura, na hihikayat sa mga turista na bumibisita, ang ibig sabihin ay more tourist more money na kung saan papasok dito ang fund na kung saan magiging fund ito at mag susustento sa edukasyon, kalusugan, pagkain at tamang serbisyo ng mga tao. Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda, ligtas daw ang dolomite at may katulad ng content ito sa sea corals kaya't hindi ito makakasama sa eco system ng Manila Bay hindi raw ito tulad ng tinutukoy na synthetic at isa raw uri ng sedementary rock na madalas nang ginagamit ng mga resorts at beach.


Talaga namang lahat ng bagay ay may maganda at panget na epekto, pero isa lang ang masasabi ko, ginagawa lamang ng gobyerno ang nararapat at nagbibigay na magandang epekto sa mga nasasakupan nito.

Comments